PATAFA, inirekomendang tanggalin na ang pole vaulter na si EJ Obiena sa national training pool

109

Inirekomenda ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na tanggalin na ang pole vaulter na si EJ Obiena sa national training pool.

Ito ay kasunod ng paglabas ng resulta ng imbestigasyon ng PATAFA hinggil sa palsipikasyon ng liquidation documents at hindi pagbabayad umano ni Obiena ng coaching fees sa kanyang coach na si Vitaly Petrov.

Ayon sa PATAFA ay ginastos ni Obiena sa maling paraan ang higit sa P360,000 na ibinigay ng PATAFA at ng Philippine Sports Commission bilang bayad sa coaching fee ni Petrov.


Dahil dito ay magsasampa ng reklamong estafa ang PATAFA laban kay Obiena habang ang reklamo kay Petrov ay isasampa sa World Athletics dahil sa paglabag sa Integrity Code of Conduct.

Sisibakin din si Petrov bilang coach habang ang adviser ni Obiena na si James Lafferty, ay idedeklara bilang persona non-grata.

Una nang pinabulaanan ni Obiena ang akusasyon.



Facebook Comments