Naitalang insidente ng pagkalunod sa Capiz ngayong summer season, umabot na sa tatlo

Roxas, Philippines – Umabot na sa tatlonginsidente ng pagkalunog ang naitala sa buong lalawigan ng Capiz ngayong summerseason, ito ang sinabi ni Mr. Speed Pealez, action officer ng PDRRMO AksyonTabang at Capiz Emergency and Response Team.

Ayon sa kanilang record, nangyari angpinakaunang insidente ng pagkalunod sa bayan ng Pilar kung saan isang menor deedad ang binawian ng buhay malapit sa fishing port ng nasabing bayan, sinundanito ng isa pang insidente sa bayan naman ng Pontevedra.

Binawian din ng buhay ang isang 23 anyos nalalake matapos tumalon sa malalim na ilog sa Brgy. Codingle, Dumarao,Capiz noong nakaraang araw.
Kinilala ang biktima na si jeffrey BarrientosY De Felix ng nasabing lugar.


Nagbigay naman ng paalala ang PDRRMO AksyonTabang at Capiz Emergency and Response Team na mag-ingat habang naliligo atiwasan ang pagpunta sa malalim na bahagi ng ilog at dagat, isawan din angmatinding pagkalasing at tumawag sa mga kinauukulan kung sakaling maymangyaring insidente ng pagkalunod.

Facebook Comments