Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,271 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa mula Hulyo 4 hanggang 10.
Sa weekly bulletin ng DOH, umabot sa 1,467 ang average na bilang ng arawang kaso para sa naturang linggo.
Mas mataas ito ng 39% kumpara sa mga kaso noong Hunyo 27 hanggang Hunyo 3.
Sa mga bagong kaso, 27 sa mga ito ang nasa malubha at kritikal na karamdaman habang nasa 555 din ang severe cases na naka-admit sa mga ospital noong Hulyo 10.
Sa kasalukuyan ay nasa 411 sa 2,414 na ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19 ang okupado na, habang 22.7% ng 21,424 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Samantala, umabot naman sa 50 ang nasawi sa COVID-19 sa bansa mula Hulyo 4 hanggang 10.
Facebook Comments