Mas maraming COVID1-9 patients ang naitala ng referral hospital na Philippine General Hospital mula nang ipatupad ang General Community Quarantine sa Metro Manila.
Sa interview ng RMN Manila kay University of the Philippine-PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario, sinabi nito na mula sa dating 70 hanggang 80 COVID-19 patients kada araw, nasa 147 ang na-admit na pasyente simula kahapon.
Pero sa kabila nito, nasa 80 percent aniya ng mga pasyente ay mild lang ang kaso at mas marami ang gumagaling.
Hindi naman masabi ni Del Rosario na dahil sa pagluwag ng Metro Manila ang dahilan kung bakit tumaas ang COVID cases sa National Capital Region.
Sa ngayon ay hindi pa naman puno at nasa 70 percent pa lang ang nagagamit sa mga ward sa PGH.
Ang UP-PGH ay pinagdadalhan ng mga COVID-19 patient mula Maynila, Parañaque, Pasay, Makati, Mandaluyong, San Juan, at Las Piñas.
Sa PGH din dinadala ang mga pasyenteng galing sa Bureau of Corrections at iba pang quarantine facility.