Naitalang nasawi dahil sa bagyong Ursula nadagdagan pa

 

Umabot na sa 21 ang naitalang namatay nang manalasa ang bagyong Ursula sa ilang lugar sa bansa.

 

Mula sa 18 indibidwal na naireport ng PNP na nasawi sa bagyo nadagdagn pa ito ng tatlo na namonitor sa MIMAROPA region.

 

Ayon kay MIMAROPA Spokesperson Police Lt Col Imelda Tolentino, ang tatlong namatay ay naitala sa Oriental Mindoro habang apat naman ang sugatan.


 

Nanatili naman ngayon sa evacuation centers sa MIMAROPA region ang 44 na pulis para tumulong sa mga pamilyang inilikas.

 

Habang sa Western Visayas naman 386 na mga pulis ang nakadeploy pa rin sa mga evacuation centers.

Facebook Comments