Naitalang quaratine violators simula nang isailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila, umakyat na sa halos 83,000

Umakyat na sa 82,191 ang bilang ng quarantine violators na naitala ng Philippine National Police (PNP) sa simula nang isailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Sa nasabing bilang, 60,573 sa mga ito ang lumabag sa minimum public health standards; 21,159 ang curfew violators at 459 ang lumalabas kahit hindi kabilang sa Authorized Persons Outside Residence (APORs).

Ayon sa PNP, 55% ng kabuuang bilang ang binalaan lamang, 38% ang pinagmulta at 8% ang nahaharap sa parusa.


Samantala, bumaba pa sa 76 na mga lugar sa Metro Manila ang kasalukuyang nasa ilalim ng granular lockdown.

Nabatid na mula ito sa 49 na barangay na binubuo ng 48 na kabahayan, 16 residential buildings at 5 subdivision.

Facebook Comments