MANILA – Nais pag-aralan ng mabuti ni Incoming Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo ang naitulong ng 4Ps sa mga mahihirap na pinoy sa bansa.Sinabi ni Taguiwalo na kung tutuusin ay hindi naman talaga nabawasan ang mahihirap sa Pilipinas.Sa kabila nito ay naniniwala pa rin si Taguiwalo na may natulungan ang Conditional Cash Transfer Program subalit hindi ito sagot sa kahirapan.Sinabi ng opisyal na matapos ang kanilang pag-aaralan, posibleng palitan ang CCT ng isang mas maganda at malakas na programang pangkahirapan.Samantala….sa ngayon aniya ay humihingi na si taguiwalo ng ulat sa outgoing DSWD Secretary upang mapag-aralan na ang kanyang mga gagawing hakbang sa nabangit na tanggapan sa oras ng kanyang pag-upo sa Hunyo 30.
Naitulong Ng Cct Program Sa Mga Mahihirap Na Pinoy Sa Bansa, Aalamin Ni Incoming Dswd Sec. Judy Taguiwalo
Facebook Comments