Manila, Philippines – Nakaalerto na ang Department of Social Welfare and Development habang nagbabanta sa ilang bahagi ng Northern at Central Luzon si bagyong Rosita.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nakamonitor na ang kanilang mga Field Offices sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.
Sa Region 2, simula mamayang gabi, 24/7 nang naka duty ang kanilang mga disaster staff sa nga itinatag nilang Emergency Operation Center.
Patuloy naman ang koordinasyon ng Quick Response Teams sa mga local government units doon para sa pagplantsa ng sistema sa mabilis na paghahatid ng tulong.
Naka standby na rin ang mahigit isang bilyong pisong pondong gagastusin sa emergency situations.
Nakahanda na rin ang nasa 371,763 Family Food Packs at mga food and non-food items na nasa mahigit P800 million.
Samantala, Nakahanda na rin ang ahensya na magbigay ng tulong sa mga maaring makaranas ng krisis sa panahon ng paggunita ng ‘Undas’.
Ang mga manlalakbay na maaring ma stranded sa mga daan ay aasistihan ng pinakamalapit na DSWD Field Offices na nangangasiwa ng mga Crisis Intervention Unit.