Nakaligtas na Pulis Cauayan sa Pamamaril ng Tulak sa Droga, Nabaril Ulit

Nabaril at nasa ospital ngayon ang pulis na minsan nang nakaligtas sa pamamaril ng isang tulak ng droga. Ang naturang pulis ay nakilalang si PO3 Arnold Cazon, kasapi Cauayan City PNP dito sa lalawigan ng Isabela.

Sa isinagawang operasyon kasama ang PDEA laban sa isang alyas Ebot na nakilalang tulak ng droga bandang alas onse kinse, July 5, 2015 sa Barangay Marabulig, Cauayan City ay nagkaroon ng palitan ng putok nang matantiya ng suspek na pulis pala ang kanyang nabentahan ng droga.

Tinamaan si PO3 Arnold Cazon sa kamay pero nagawa niyang magantihan si Alyas Ebot ng ilang putok na siya namang nagresulta sa agaran nitong kamatayan.


Sa pagdating ng mga back up operatives ng PNP at Rescue 922 ng Cauayan City ay nadatnan ang wala nang buhay na katawan ni alyas Ebot at narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang 500 peso bill na marked money, isang kalibre 38 na baril, isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, apat na kapsula ng 9mm, isang cellphone at isa pang sachet ng shabu na aktuwal na naibenta kay PO3 Cazon.

Napag alaman ng DWKD 98.5 RMN News Team na nasa isang pribadong ospital ngayon ang naturang pulis at nilalapatan na ng wastong lunas. Samantalang si Alyas Ebot ay nakalagak na sa isang punerarya dito sa lungsod ng Cauayan.

Magugunitang noong Hunyo 28, 2017 ay nabaril ang kaparehong pulis ng isa ring tulak ng droga pero masuwerte itong nakaligtas dahil nakasuot ito ng bullet proof vest.

Facebook Comments