Manila, Philippines – Ipinare-recall ng isang kongresista sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lahat ng mga bagong labas na barya.
Hiniling ni PBA PL Rep. Jericho Nograles sa BSP na i-recall ang lahat ng mga bagong barya at baguhin ang disenyo nito.
Giit ng kongresista, masyadong nakakalito para sa publiko ang bagong disenyo ng mga coins dahil pare-pareho ang itsura, kulay at halos magkakasinglaki.
Hindi matanggap ng mambabatas ang katwiran ni BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo na madali lang malalaman ang pagkakaiba ng mga barya kung titingnang mabuti.
Giit ni Nograles, bagsak sa kategorya na madaling matukoy ang denomination sa pandama pa lamang sa barya at mukhang hindi ito naikonsulta sa sektor ng mga bulag at mga senior citizens.
Facebook Comments