NAKAPARADANG TRICYCLE SA ISANG SIMBAHAN SA MANGALDAN, TINANGAY NG KAWATAN

Tinangay ng hindi pa nakikilalang kawatan ang isang nakaparadang tricycle sa isang simbahan sa Barangay Poblacion, Mangaldan, Pangasinan, umaga ng Pebrero 25, 2026.

Ayon sa ulat, ipinarada ng may-ari na si Mark Garcia Casupang, 30-anyos, security guard at residente ng Barangay Lanas, ang kanyang tricycle bandang alas-6:10 ng umaga sa loob ng St. Thomas Aquinas Parish Church upang magtungo sa palikuran.

Ngunit pagbalik niya, napansin niyang nawawala na ang kanyang tricycle. Sinubukan pa umano niyang hanapin ito ngunit hindi na natagpuan.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad matapos matanggap ang ulat ng insidente. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang suspek at mabawi ang nawawalang sasakyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments