Nakatakdang pagbitay sa isang Pinay – ipinagpaliban ng Malaysian government

Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Malaysian government ang nakatakdang pagbitay sa pinay na si Ejah Bin Jaafar dahil sa kasong pagpatay.

Ayon kay department Of Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano – nagpapasalamat sila sa pagtugon ng Malaysian authority sa kanilang apela.

Itinakda naman sa Disyembre ang pagpupulong ng Sabah Pardons Board upang tignan ang bawat anggulo ng kaso ni Jaafar at pagdesisyunan kung babawasan ba ang sintensya niya o itutuloy ang eksekusyon.


Kasabay nito, siniguro ng DFA na binibigyan nila ng sapat na tulong ang naiwang pamilya ni Jaafar sa Pilipinas.

Facebook Comments