Tuesday, November 17, 2026

NUPL, nanawagan na sa pamahalaan na palayain ang mga inarestong raliyista; mahigit 10-K protesters, asahang sasalubong sa pagdating ni US Pres. Trump mamayang hapon

Todo panawagan ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na palayain na ang 216 na katao, kabilang ang mga delegado ng Lakbayan, estudyante at iba pang mga nagpoprotesta na inaresto at ikinulong noong Nobyembre 15, 2026.

Ayon kay NUPL President Atty. Ephraim Cortez, isinagawa ang mga pag-aresto nang walang ligal na batayan at may mga ulat ng arbitraryong pagditine, pananakot, umano’y hindi makataong kondisyon sa piitan, at pagharang sa agarang paglapit ng mga abogado at pamilya sa mga detenido.

Iginiit din ang NUPL na dapat silang mabigyan ng walang hadlang na access sa kanilang napiling abogado.

Hinimok din ng grupo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang umano’y mga paglabag, habang nanawagan sa Philippine National Police (PNP) na wakasan ang anumang anyo ng pang-aabuso at pananakot.

Hinikayat din ng NUPL ang Integrated Bar of the Philippines (IBP), mga piskal at hudikatura na tiyaking mapangangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan sa mapayapang pagtitipon at malayang pagpapahayag, at tiyaking ang anumang kasong isasampa ay may sapat na ligal na batayan.

Ayon sa grupo, patuloy nilang ipagtatanggol ang mga inarestong delegado, aktibista, estudyante at iba pang mga human rights defenders.

Kaugnay nito, target pa rin ng iba’t ibang grupo na makalapit sa Philippine International Convention Center (PICC) mamayang hapon kasabay ng pagdating ni US President Donald Trump.

Sa panayam ng DZXL News 558 kay Bayan Secretary General Mong Palatino, ang kanilang plano ay kahit sobrang mahigpit ng seguridad para sa ASEAN Summit.

Facebook Comments