NAKATUTOK | Mahigit 1000 pang High-Value Target, sentro ng operasyon ngayon ng PNP

Nakatuon ang Philippine National Police sa pagtugis sa 1,003 indibidwal na nasa listahan nila ng High-Value Target.

Ayon kay PNP Chief Police Dir. Gen. Oscar Albayalde, magsasagawa sila ng serye buy-bust operation at maghahain din sila ng warrant of arrest laban sa mga target na high value target.

Sa tala ng PNP, mula August 15, nasa 4,959 HVT na ang sumuko sa mga otoridad at nasa 2,825 HVT na ang naaresto at nakasuhan nila.


Aabot naman sa 258 HVT ang napatay sa operasyon ng mga pulis habang 322 naman na HVT ay kasama sa mga biktima ng homicide cases under investigation.

Batay naman sa monitoring ng PNP mula July 30 matapos ang re-calibration ng kampanya laban sa iligal na droga ng PNP ay mahigit 100 ang nadagdag sa listahan ng HVT.

Facebook Comments