Nakiisa sa kilos-protesta ng grupong PISTON, umabot sa halos 4 na libong jeepney operators; pasok sa ilang eskwelahan, kinansela

Mendiola, Maynila – Umabot sa halos apat na libong mga jeepney driver at operator ang nakiisa sa kilos-protesta ng grupong PISTON sa Mendiola, Maynila.

Una nang kinansela ang pasok sa ilang eskwelahan sa Luzon dahil na rin sa paralisadong biyahe ng mga jeep sa Bulacan, Antipolo, Montalban, Pasig Quezon City at Marikina.

Humingi naman ng paumanhin sa mga naperwisyo ng transport strike si PISTON National President George San Mateo.


Umaasa naman ang PISTON na papansinin ni Pangulong Duterte ang kanilang hinaing at magtatakda ito ng araw para makipag-dayalogo.

Una nang nagbabala ang grupo na magsasagawa ng mas malaking kilos-protesta sa araw ng SONA kapag hindi pinakinggan ng Pangulo ang hiling nilang ibasura ang jeepney modernization program ng pamahalaan.

Facebook Comments