Lagay ng kalusugan ni Pacman, mahigpit na mino-monitor

239

Hinigpitan ni boxing trainer Buboy Fernandez ang pagbabantay sa kalusugan ni Eight-Division world champion Manny Pacquiao para sa laban nito sa Hulyo.

Kabilang na rito ang pagbabawal ni Fernandez na tumanggap ng bisita lalo na ang mga may sakit para hindi makaapekto kay Pacquiao.


Maging ang basketball ay pinagbawal din nito kay Manny upang makaiwas sa anumang injury.

Aminado si Buboy na krusyal ang isang buwang paghahanda para sa laban ng fighting senador kontra kay Keith Thurman kaya siya naghigpit.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang preparasyon ni Pacquiao sa kanyang laban sa Hulyo 20 sa MGM sa Las Vegas, Nevada.

Facebook Comments

From Advertisers