NAKIPAGTULUNGAN NA | PCG, tumulong na sa rescue operations ng 3 batang inanod sa Tullahan River

Bigo pa rin ang mga search and rescue na matunton ang tatlong batang lalaking pinaniniwalaang inanod sa Tullahan River, Valenzuela.

Kabilang sa mga pinaghahanap — ang magkapatid na may edad sampu at labingtatlo at kasama nilang sampung taong gulang na bata.

Bukod sa Valenzuela City DRRMO, Valenzuela PNP at BFP, sumama na rin sa paggalugad na rin ang Philippine Coast Guard sa paghahanap.


Ayon sa search and rescue teams, Pahirapan ang pagsagip sa mga bata dahil sa panaka-nakang pag-ulan at dahil madilim sa magdamag at hanggang ngayon malakas ang agos ng tubig.

Sakay ng rubber boats, Umabot na sa boundary ng Valenzuela, Malabon at Caloocan ang rescue teams pero bigo pa ring makita ang mga bata.

Facebook Comments