PBA | Cabagnot, Thompson binakuran na ng San Miguel at Ginebra

Manila, Philippines – Hindi pa man napapaso ang kani-kanilang kontrata, agad binigyan ng extension sina Alex Cabagnot at Scottie Thompson ng San Miguel at Barangay Ginebra.

Sa susunod na season pa matatapos ang kontrata ni Cabagnot pero binigyan siya agad ng two-year extension ng Beermen.

Kahit 35-anyos na si Cabagnot, parte pa rin ito ng Fab 5 ni coach Leo Austria at malaki ang naging papel nito sa huling anim na kampeonatong nakuha ng SMB.


Hindi na rin nakapaghintay pa ang Ginebra na matapos ang kontrata ng kanilang pambatong guwardiya.

Sa Disyembre mag-eexpire ang kontrata ni Thompson pero binigyan ito 3-year extension ng Gin Kings.

Napamahal si Thompson sa coaching staff ng Ginebra dahil narin sa never-say-die attitude nito kada laro.

Facebook Comments