NAKIRAMAY | Pilipinas kinundena ang nangyaring shooting rampage sa Maryland

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay at simpatya ang Pilipinas sa Estados Unidos matapos ang nangyaring panibagong shooting incident partikular sa Maryland nitong Huwebes.

Sa nasabing shooting rampage 5 ang nasawi habang marami ang napaulat na sugatan.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kaisa ang Pilipinas sa panalangin para sa mga naulilang pamilya ng trahedya.


Kasunod nito kinumpirma ng DFA na walang nadamay na Pinoy sa naturang insidente.

Sinabi naman ni Ambassador Jose Manuel Romualdez na hawak na ngayon ng mga otoridad ang lone suspect na bigla na lamang walang habas na namaril.

Sa pinakahuling datos ng Embahada tinatayang nasa 7,900 ang myembro ng Filipino Community sa Maryland kasama na sa Anne Arundel County.

Facebook Comments