NAKIRAMAY | World leaders, nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ni US Sen. John McCain

Bumuhos ang pakikiramay ng mga world leader sa pagpanaw ni US Senator John McCain sa edad na 81.

Nabatid na matagal nang nakikipaglaban sa sakit na brain cancer ang dating prisoner of war sa Vietnam.

Sa maiksing tweet, ipinaabot ni US President Donald Trump ang pakikiramay nito kay McCain.


Nagkaisa rin sina dating US President Barack Obama at asawang si Michelle, sa pagbabalik-tanaw hinggil sa katapangan ni McCain.

Para kay Sanate Majority Leader Mitch McConnell, nagsilbing liwanag ang buhay ni McCain sa noon ay mundo na puno pa ng isyu sa usapin ng national unity at public service.

Nagpaabot din ng pakikiramay sa pagkawala ni McCain sina dating US President George W. Bush, Joe Biden, Jimmy Carter, dating US Vice President Mike Pence, Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Australian PM Scott Morrison.,

Si McCain ay nagsilbing senador mula sa estado ng Arizona sa loob ng mahigit tatlong dekada.

Ang 81-anyos na mambabatas ay naging pambato ng republican party noong 2008 presidential elections kung saan ay tinalo siya ni Barrack Obama.

Facebook Comments