Nakitang Mali sa FRC ng Cauayan City Employees, Inayos Na!

Cauayan City, Isabela – Nagkaroon na ng pagpupulong kamakailan sa mga department heads ng city government kaugnay sa obserbasyong hindi tamang pagdalo ng mga empleyado sa Flag Raising Ceremony tuwing umaga ng lunes sa harapan ng cauayan city hall.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay City Admintrator Jose Abad, naibaba na umano ang responsibilidad sa mga department heads upang tingnan mabuti ang pagdalo ng mga city employees sa flag ceremony.

Sa katunayan umano ay ang Information Officer ng lungsod ang nagka-cut ng bundy clock upang makita ang late na pumapasok sa city government.


Ayon pa kay City Administrator Abad ang pagdalo ng bawat empleyado sa flag raising ceremony ay isang civil service policy maging ang pag-saulo sa Cauayan at Isabela Hymn.

Kabilang din ang tamang pananamit o uniporme na mahigpit namang pinapatupad ng city government maliban lamang umano sa ibang department tulad ng RHU at mga basurero kung saan nabigyan ng exemption dahil sa klase ng kanilang mga trabaho.

Ipinagmalaki ni administrator Abad na sa ngayon ay naging maganda na ang resulta ng attendance ng mga empleyado sa nakaraang dalawang lunes.

Ganunpaman ipinaliwanag ni Abad na ang memorandum sa nasabing usapin ay matagal nang naipabatid sa lahat ng empleyado ng city government.

Matatandan na sa regular session ng city council ay naging bahagi sa privilege speech ni Sangguniang Panlungsod Garry G. Galutera ang ilang obserbasyon sa tuwing flag raising ceremony.

Facebook Comments