Tumaas ng 169% ang nakolektang buwis ng gobyerno mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa gitna na rin ng ipinapatupad ng crackdown laban sa industriya.
Ayon sa Department of Finance (DOF), nakapagkolekta ang gobyerno ng kabuoang ₱6.42 billion na buwis mula sa mga POGO nitong 2019.
Mataas ito kumpara sa ₱2.38 billion na nakolekta noong 2018.
Nabatid na target ng gobyerno ang 32 billion pesos na annual collection mula sa income taxes ng mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO.
Una nang nagbabala ang ahensya na ipapasara ang mga POGO kapag nakitaan ng paglabag sa local tax laws.
Facebook Comments