NAKUHA | Matataas na kalibre ng mga armas, narekober sa Datu Montawal Maguindanao

18

Maguindanao – Samot-saring matataas na uri ng armas ang narekober kahapon ng kapulisan sa bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao.

Sinabi ni Police Senior Inspector. Rasul Pandulo hepe ng Datu Montawal PNP, ang naturang mga baril ay narekober mula sa isang abandonadong tahanan sa Barangay Dungguan, Datu Montawal.

Kabilang sa mga narekober na armas ng mga otoridad ay isang Tavor, isang AK47, isang Boos Master na M60, isang homemade shotgun, isang M1 Garand rifle at dalawang Caliber 45 pistol.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang pagsisiyasat ng Datu Montawal PNP kaugnay ng mga natagpuang armas.

Inaaalam pa ng kapulisan kung sino ang may-ari ng bahay kung saan narekober ang mga armas.

Facebook Comments