Manila, Philippines – Umabot na sa isang toneladang shabu ang nakumpiska ng Philippine National Police kaugnay ng kampanya nito kontra iligal na droga.
Ayon kay Supt. Victor Drapete, hepe ng Chemistry Division ng PNP-Crime Laboratory, ipinag-utos na ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pag-account sa mga shabu na naipon na sa kanilang tanggapan mula pa noong 1977.
Aniya, hindi agad nai-dispose ang mga droga dahil ginagamit ito bilang ebidensya sa mga kaso.
Pinakamaraming bulto ng droga ay nakumpiska noong 2015 na umaabot sa 44 na kilo.
Tiniyak naman ni Drapete na mahigpit ang seguridad sa imbakan ng droga kaya malabong magkaroon ng recycling nito.
DZXL558
Facebook Comments