NALAGAS | Mga Abu Sayyaf na tumulong kay Hapilon sa Marawi, hindi na nakabalik ng buhay sa Sulu

Marawi City – Hindi na nakabalik pa ng buhay sa lalawigan ng Sulu ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na tumulong sa nasawing si ASG leader Isnilon Hapilon sa limang buwang pakikipag-gyera sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana.

Dahil dito nabawasan na aniya ang mga miyembro ng ASG na nagkukuta sa lalawigan ng Sulu, mula sa 500 miyembro ng ASG na kanilang namomonitor sa Sulu 400 na lang ang natitirang bandido.


Sinabi ni Sobejana, dahil sa pagbaba ng bilang ng mga bandido sa Sulu ay mas nagiging desperado na ang mga ito.

Ito ay dahil maging ang mga maliliit na negosyante ay kanila na ring dinudukot at hinihingian ng ransom.

Facebook Comments