Pinakamaraming pasahero ng MRT-3, naitala kahapon

25

Nakapagtala kahapon ang pamunuan ng MRT-3 ng pinakamaraming pasahero na sumakay sa tren mula nang magbalik-operasyon ito noong Hunyo ng nakaraang taon.

Sa tala ng DOTr-MRT-3, umabot sa 162,254 ang bilang ng mga pasahero sumakay mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.


Paliwanag ng MRT-3, sa mahigit 20 tren na nagbigay ng serbisyo at limitadong bilang ng mga pasahero ay marami pa ring nais sumakay ng tren.

Naitala ang maraming pasahero ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sa kabila ng pagdami ng pasahero ng MRT-3, tinitiyak pa rin nilang nasusunod ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, pagkuha ng body temperature at QR code para sa detalye ng mga pasahero.

Sumasailalim din umano sa disinfection ang lahat ng tren pagdating nito sa North Avenue Station at Taft Avenue Station.




Facebook Comments