NAMAALAM | National artist for literature Cirilo Bautista, pumanaw na

24

Manila, Philippines – Pumanaw na sa edad na 76 ang National Artist for Literature na si Dr. Cirilo Bautista.

Inanunsyo ito ng De La Salle University (DSLU) Department of Literature pero hindi na nagbanggit ng iba pang detalye.

Si Bautista ay nagtapos na magna Cum Laude sa University Of Sto. Tomas sa kursong AB Literature.

Nagturo siya sa DLSU at San Beda College kung saan naitatag ang Bienvenido Santos Creative Writing Center.

Nakilala siya sa kanyang pamumuno sa Philippine Literary Arts Council noong 1981 at ginawaran bilang Palanca Awards Hall of Famer.

Taong 2014 nang hirangin siyang National Artist for Literature.

Facebook Comments