Tumaas ang bilang ng mga nasasawing buntis sa bansa sa unang anim na buwan ng 2022.
Ayon kay Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, karaniwang sanhi ng maternal mortalities ay komplikasyon sa pagbubuntis sa panahon ng panganganak at postpartum period.
Kasunod nito, umapela si Vergeire sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad ng primary care.
Dapat aniya palawakin ang serbisyo sa Maternal, Newborn, Child Health at Nutrition (MNCHN) at pagtatalaga ng mga healthcare provider networks sa panahon ng pagbubuntis.
Matatandaang, batay sa datos ng Commission on Population and Development (POPCOM) ay sumampa sa 468 ang mga buntis na namamatay mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa 425 na naitala sa parehong panahon noong 2021.