LALAKI TINAGA NG KANYANG KAINUMAN SA ISANG BIRTHDAY CELEBRATION

Malinao, Aklan – Multiple hack wounds ang tinamo ng isang lalaki matapos na tagain ng kanyang kainuman kagabi sa isang birthday celebration sa Brgy. Kinalangay Nuevo, Malinao, Aklan. Ang biktima ay kinilalang si Dario Zaspa, 36-anyos at ang suspek ay nakilala namang si Jazel Retubis, 29-anyos lahat residente ng nasabing lugar. Ayon kay PLt. Gelbert Batiles, hepe ng Malinao PNP na bandang alas 1:30 ng madaling araw sila nakatanggap ng report at agad naman silang nag responde sa lugar kung saan naabutan nila ang biktima na nilalapatan ng first aid ng mga taga Mdrrmo Malinao saka dinala sa hospital. Sa kanilang inisyal na imbestigasyon lumalabas na magkasamang nag-inuman ang suspek at biktima na nag-inuman sa isang birthday celebration sa kanilang lugar at habang nag-iinuman ay nagkaroon ng mainitang diskusyon ang dalawa tungkol sa kanilang dating isyu. Agad naman silang na pacify ng may-ari ng bahay at sinabihang kung sila ay mag-aaway ay doon na lamang sila sa labas. Umalis ang dalawa at mga isang daang metros na ang layo sa bahay ng may birthday ay doon na nangyari ang pananaga ng suspek sa biktima kung saan nagtamo ang suspek ng tama sa noo, leeg, batok at balikat habang ang suspek ay agad na tumakas. Agad rin na nagsagawa ng hot pursuit operation ang Malinao PNP laban sa suspek kung saan naabutan ito sa kanyang bahay na papaalis na rin kaya’t agad itong inaresto. Sa ngayon ay naka kulong na ito sa lock up cell ng Malinao PNP at nakatakdang sampahan ng kasong Frustrated Homicide. Na-recover din sa crime scene ang itak na may habang nasa 20 inches na ginamit ng suspek. Samantala, kinumperma naman ni PLt. Batiles na ang biktima ay may dati nang kaso ng stabbing at hacking.
Facebook Comments