Namataang LPA, inaasahang papasok sa PAR ngayong araw

41

Manila, Philippines – Binabantayan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa 1,100 kilometers silangan ng Mindanao.

Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw.

Magtampisaw sa *Maria Cristina Falls* sa Iligan City kahit may paminsan-minsang pag-ulan dahil sa trough o buntot ng LPA kasama ang Davao at SOCCSKSARGEN region.

Pasyalan ang *Plaza Libertad* sa Iloilo dahil maaliwalas ang panahon sa buong Visayas maliban sa mga isolated thunderstorms.

Sa ngayon, malamig na hanging amihan ang nakakaapekto sa Luzon.

Dahil dito, maganda ang panahon para bisitahin ang *Pinto Art Museum* sa Antipolo, Rizal dahil maaliwalaas ang panahon sa buong Luzon.

Facebook Comments