Umakyat na sa 68 indibidwal ang naitatalang nasawi matapos na manalasa ang bagyong Usman sa bansa.
Ito ay batay sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa kanilang pinakahuling datos, naitala ang mga nasawing indibidwal sa mga Regions Mimaropa, 5, 6 at 7.
Umabot na rin sa 19 ang nawawala at ngayon patuloy pa ring pinaghahanap.
Samantala, batay rin sa monitoring ng NDRRMC, 13 bahay ang nasira, 6 ay totally damaged habang 7 ay partially damaged.
Facebook Comments