Namatay dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly umabot na sa 25 – NDRRMC

Umakyat na sa 25 indibidwal ang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Rolly.

Batay ito sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

399 naman ang naitalang sugatan at 6 ang nawawala na ngayon ay patuloy na pinaghahanap.


Aabot naman sa kabuaang 484, 427 families ang matinding naapektuhan ng Super Typhoon Rolly.

Batay pa sa update ng NDRRMC, 142,013 na bahay naman ang napinsala, sa bilang na ito 26,982 ay totally damaged habang 115, 031 ang partially damaged.

Halagang mahigit ₱12 billion naman ang nasira sa imprastraktura sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, CAR at NCR.

Facebook Comments