NAMEKE | Abogado tinanggalan ng lisensiya ng SC

Manila, Philippines – Tinanggalan ng Korte Suprema ng lisensya bilang lawyer ang isang abogado na nameke ng desisyon ng korte at nag-notaryo ng dokumento sa kabila ng kawalan ng presensya ng Affiant o nang mismong nagpapanotaryo ng dokumento.

Sa 11-pahinang desisyon ng SC na may petsang July 3, 2018 na-disbar bilang abogado si Atty. Dionisio Apoya Jr.,dahil sa paglabag sa ilang probinsyon ng Code of Professional Rasponsibility at Rules on Notarial Practice.

Iniutos na ng Korte Suprema na agarang tanggalin na ang pangalan ni Apoya Jr., sa Roll of Attorneys.


Kinatigan ng SC ang naging findings ng Integrated Bar of the Philippines – Commission on Bar Discipline and agreed at ang rekomendasyon nito na ma-disbar na bilang abogado si Apoya.

Base SC na sinadya ni Apoya na pekein ang desisyon ng Korte para linlangin ang complainant na si Leah Taday at paniwalain itong naipanalo niya ang annulment case ng kanyang kliyente.

Ayon sa Korte, malinaw na nagkaroon ng paglabag sa batas si Apoya, nagsinungaling ito at naloko na nagresulta sa pagbaba ng kumpiyansa ng publiko sa legal system ng bansa.

Napatunayan din na ginawa ni Apoya ang pag-notaryo sa verificafion at certification ng non-forum shopping ng kanyang kliyente para sa petition for annulment kahit wala naman doon ang Affiant na paglabag sa 2004 Rules on Notarial Practice.

Facebook Comments