Cauayan City, Isabela- Ipinag-utos ng City health sanitation ang pansamantalang pagsasara ng poultry farm hinggil sa reklamo ng mga residente dahil sa walang humpay na pagdapo ng mga langaw sa kanilang kabahayan sa isang purok ng Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.
Ayon kay Kap. Jaime Partido, araw ng huwebes, September 24 ng mabigyan ng gamot ang kanilang lugar para gamitin sa pagpuksa ng dumaraming langaw hanggang sa ipag-utos ang temporary closure ng nasabing farm.
Sa isinagawang Committee hearing ng konseho, iginiit ni City Sanitation Officer Nurse Michelle Calacien na muli silang naglabas ng panibagong rekomendasyon para sa temporary closure order sa poultry farm na pagmamay-ari ng isang negosyanteng si Alex Ty.
Base sa rekomendasyon, lumabas na hindi napapanatili ang maayos at tamang paraan ng disinfection sa lugar kaya’t patyloy ang pagdami ng nasabing pagdami ng langaw.
Matatandaang nagpalabas na rin ng rekomendasyon ang tanggapan noong taong 2018 para sa closure order nito.
Iginiit naman ni City Councilor Bagnos Maximo, Committee Chair ng Health and Sanitation, imomonitor ng health sanitation team ng labing-limang (15) araw ang farm at titignan kung mayroon bai tong pagbabagp o pagsunod sa patakaran.
Kung may paglabag pa rin, ididiretso na sa tanggapan ng Business Permit and Licensing Office, City Legal Office, at City Mayor ang desisyon.
Magpapatawag naman ng pagpupulong si Kap. Partido sa pagitan ng may ari ng manukan para sa hakbang na isasagawa at maibsan ang labis na pinsala sa mga residente.