
Pormal nang ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) bilang bagong kinatawan ng ikalawang distrito ng Antipolo City si Phililp “Dok Bong” Acop.
Ito ay matapos niyang magwagi sa idinaos na special elections ng poll body kahapon, March 14.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nakakuha si Acop na mula sa National Unity Party ng kabuuang 60,051 na boto.
Habang sumunod sa kaniya si Red Llaga na may 12,054 at Irvin Tapales na may 10,080 na botong nakuha.
Hindi naman lumagpas ng isang libo ang bawat botong nakuha ng tatlo pang kandidato na kalahok din sa halalan.
Papalitan ni Acop ang kaniyang amang si dating Rep. Romeo Acop na pumanaw noong Disyembre ng nakaraang taon.
Facebook Comments










