Desidido si Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro at mga grupo ng mga ‘Shoepreneur’ o manggagawa ng sapatos na pasiglahing muli ang Shoe Industriy sa lungsod.
Kilala ang Marikina City bilang ‘Shoe Capital of the Philippines’ dahil dito ginagawa ang mga de kalidad ngunit murang sapatos sa bansa.
Gayunman, kinumpirma ni Teodoro na nagkaroon ng slow down ang industriya simula noong EDSA Revolution at unti-unti pang nanamlay, nang hagupitin ng bagyong Ondoy ang Lungsod.
Ayon kay Neil Nepomuceno, Vice President ng Philippine Footwear Federation, kung dati ay nasa 5,000 ang shoemaker, bumagsak ito sa 150 at ngayon ay unti-unti nang muling umaangat, at umaabot na sa 300, dahil sa tulong at suporta ng Local Government ng Marikina at pagtutulungan na rin ng mga shoepreneur.
Ikinatuwa naman ng alkalde na kung dati ay kani-kaniya, ngayon ay ‘Colloborative’ at nagtutulungan na ang mga manggagawa ng sapatos.
Ilan lamang sa mga plano pa ng Local Government upang lalong paunlarin ang shoe industry sa Marikina ay ang pagpapatayo ng paaralan na magtuturo ng paggawa ng sapatos, o Shoe Tech, pagtatayo ng trade center, at pagsusulong na maging bahagi na ng short courses ng TESDA ang shoemaking.
Ipinagmalaki pa ni Mayor Teodoro na maging ang national government, sa pangunguna ng Pangulong Rodrigo Duterte, ay tumutulong din sa pagpapasigla ng shoe industry.