NANANATILI! | Pangulong Duterte, tiwala parin kay Sec. Diokno

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng MalacaƱang na nananatili ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay budget Secretary Benjamin Diokno.

Ito ang sinabi ng MalacaƱang sa harap narin ng alegasyon ng conflict of interest laban sa kalihim matapos mabunyag na nabigyan ng bilyon bilyon pisong halaga ng government project ang isang construction company sa Bulacan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, naniniwala parin si Pangulong Duterte sa competence ni Diokno na ayon kay Panelo ay isang man of Integrity.


Sinabi pa ni Panelo na kapag sinabi ni Diokno na hindi siya sangkot sa anomang katiwalian ay hindi magdadalawang isip ang MalacaƱang na maniwala dito.

Pero sinabi din naman ni Panelo na dadaan sa imbestigasyon ang issue na ito at mananagot ang dapat managot.

Facebook Comments