NANAWAGAN | Father Francis Lucas, nagpaalala na isapuso ang tunay na kahulugan ng Semana Santa

Manila, Philippines – Nagpaalala ngayon si Father Francis Lucas, Pangulo at Chief Executive Officer ng Catholic Mass Media Network, na pagtuunan ng pansin ang pagdarasal ngayong Semana Santa kaysa sa pag-selfie.

Ayon kay Father Lucas, sa mga gagawing Visita Iglesia, huwag umasta na parang turista at mamangha sa laki o ganda ng isang simbahan, bagkus ay manalangin ng mataimtim.

Nakakadismaya aniya na parami na ng parami ang mga tao na sa halip na nagdadasal tuwing Holy Week ay mas inaatupag pa ang pagpunta sa mga beach at pagbabakasyon.


Panawagan ni Father Lucas, isapuso ang Semana Santa at alamin ang kahulugan ng Seven Last Words ni Kristo bago siya namatay.

Facebook Comments