Manila, Philippines – Nanawagan si Sister Lee Fresnosa, Secretary General ng grupong Kilusang Makabansang Ekonomiya (KME) na dapat bumababa na sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito sa naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdating mula sa bansang Israel at Jordan na handa itong bumaba sa pwesto ay hihilingin naman ng grupong KME na bumaba sa pwesto bilang sagot sa mga nangyayaring kaguluhan sa bansa.
Kaugnay nito magsasagawa ng pagkilos ang grupo KME kasama ang youth, senior citizen, academe at religious group sa September 21 bilang paggunita sa anibersaryo ng batas militar sa bansa.
Isa pa sa pahayag ni Fresnosa ang pagkakaroon ng snap election upang matuldukan na ang pagmamalupit ng kasalukuyang administrasyon ni Duterte.