NANAWAGAN | Isang consumers group, hiniling na maibaba ang presyo ng pangunahing bilihin

Manila, Philippines – Nanawagan ang isang consumers group sa mga manufacturing companies na ibaba na rin ang kanilang mga panindang produkto.

Ayon kay RJ Javellana, Pangulo ng United Filipino Consumers & Commuters (UFCC),

Napapahon lamang na tapyasan na rin ang presyo ng basic commodities dahil patuloy ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.


Aniya, dapat na ring kumilos ang Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang sangay ng gobyerno para tiyakin ang kooperasyon dito ng mga negosyante.

May hiwalay din na petisyon ang UFCC sa LTFRB na humihiling na ibalik sa otso pesos ang minimum na pasahe sa jeepney fare hike bunsod ng sunod-sunod ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments