NANAWAGAN | Paggamit ng airport access card – hindi dapat abusuhin – MIAA

Nanawagan si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa mga opisyal ng gobyernong nabigyan ng airport passes na huwag itong abusuhin.

Kasunod na rin ito ng kinasangkutang viral video sa NAIA ni Acts OFW Representative John Bertiz.

Sa isang panayam, sinabi ni Monreal na hindi karapatan sa halip ay pribilehiyo lang ang airport passes kaya anumang oras ay pwede nila itong bawiin kung inaabuso.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng MIAA sa insidente, pero ayon kay Monreal, sa ngayon ay wala silang nakikitang posibilidad para kasuhan si Bertiz.

Samantala, ayon kay Bertiz – ibabalik na niya sa MIAA ang kanyang airport ID.

Facebook Comments