Nanay ng may Down syndrome, idinemanda ang ospital; ipinalaglag daw sana ang bata kung nalaman ang kondisyon

Kung nalaman daw sa pagbubuntis pa lang na may kapansan ang 4-anyos na anak, hindi na sana itinuloy ng isang nanay sa UK ang kaniyang pagbubuntis.

Kaya naman idinemanda ni Edyta Mordel, 33, ang ospital dahil pumalpak umano itong makita na may Down syndrome ang kaniyang dinadalang sanggol.

Hinihingian ni Mordel ang National Health Services (NHS) ng £250,000 o higit P15 milyon sa kasong “wrongful birth”–kompensasyon umano para sa ginastos sa anak at pag-aalaga rito na nakaapekto sa kaniyang kakayahan na makapag-trabaho.


Iginiit ni Mordel na “all-clear” ang ibinigay sa kanyang resulta ng screenings sa unang 12 linggo ng pagbubuntis.

“I was reassured so many times everything was alright, that the pregnancy was fine,” ani Mordel sa panayam ng Daily Mail.

Ngunit umalma ang NHS at nagpresinta ang abogado ng record na nagpapakita ng “Down’s screening declined” sa medical notes ng nanay.

Nang manganak naman via C-section, lumabas sa medical notes na “very upset and angry” si Mordel nang ma-diagnose na may Down syndrome ang isinilang.

Paliwanag ng abogado ng NHS, normal lang daw sa mga buntis na tumanggi sa screenings ‘pag nalalaman na may dalawang porsyenteng tyansa ng miscarriage o maaaring makunan.

Ayon sa Daily Mail, marami nang magulang ang nabigyan ng milyon-milyon sa ibang kaso ng “wrongful birth”, habang ang kaso naman ni Mordel ay ongoing pa rin.

Facebook Comments