NANGANGAMBA | Re-enacted na pondo, pinangangambahang mangyari sa 2019 budget

Manila, Philippines – Nangangamba si Albay Rep. Edcel Lagman sa posibilidad na mauwi sa re-enacted ang budget sa 2019.

Ito ay kasunod ng desisyon ng Kamara na huwag nang suportahan ang cash-based budgeting system na ipinatupad ng Department of Budget and Management para sa P3.757 Trillion proposed national budget.

Ayon kay Lagman, posibleng magkaroon ng deadlock ang Kamara at DBM kung ipipilit ng kagawaran ang sarili nitong sisema na cash-based budgeting system.


Sa tingin ni Lagman, mas maganda pa ang latag ng 2018 budget dahil obligation-based budget system ito kung saan pwedeng magpatupad ng proyekto kahit sa susunod na taon pa ito mabayaran o mapondohan.

Hindi umano sila makapapayag sa gustong sistema ng DBM na dahilan para makaltasan ng alokasyon ang maraming tanggapan dahil parang isinusuko na dito sa Ehekutibo ang power of the purse ng Kongreso.

Facebook Comments