ISINUNOD NA | PNP Regional Director ng PRO 8, sinibak na rin sa pwesto matapos ang pagsalakay ng NPA sa Lapinig MPS

1101

Tuluyan ng sinibak sa pwesto ang Regional Director ng Police Regiona Police Office 8 na si Police Chief Supt. Mariel Magaway.

Ito ay matapos na salakayin kanina ng nasa isang daang miyembro ng New Peoples Army ang Lapinig Municipa Police Station sa Northern Samar kung saan nakuha ang labing tatlong mga baril.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr Supt Benigno Durana inaprobahan ng PNP oversight Committee ang rekomendasyon ni PNP Chief Oscar Albayalde na sibakin sa pwesto si Magaway habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente ng pagsalakay ng NPA.

Sinabi ni Durana na ipinalit kay Magaway si PNP Aviation Security Group Director Police Chief Supt Dionardo Carlos.

Habang uupo naman aniya bilang bagong PNP Aviation Security Group Director si Police Regional Office 11 Director Police Chief Supt. Joel Orduña.

Facebook Comments