NANLABAN | Pusher sa Tondo, patay!

Manila, Philippines – Isang drug pusher ang patay matapos nitong manlaban sa isinagawang buy bust operation sa Tondo, Manila.

Kinilala ang suspek na si alyas Kenneth, kilalang nutoryus pusher sa lugar.

Ayon sa hepe ng Rexabago Police Station na si Supt. Jay Dimaandal – nagpanggap ang kanilang mga pulis na bibili ng limangdaang pisong halaga ng shabu sa suspek.


Habang nagbabayaran ay nakatunog daw ang suspek na huhulihin siya kaya bigla itong tumakbo.

Habang naghuhulihan ay nagpaputok aniya ng baril si alyas Kenneth.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng notoryus pusher.

Nasabat sakaniya ang 9mm na revolver, jungle knife, improvised shotgun at anim na pakete ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments