NANGIKIL | Hepe ng QCPD 11 at 8 iba pa, sinibak na

Manila, Philippines – Pormal nang sinibak bilang hepe ng Station 11 ng Quezon City Police Department (QCPD) si Chief Superintendent Igmedio Bernaldez

Itoy kaugnay ng kasong pangingikil na kinasasangkutan ng mga police officers sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Ayon kay QCPD Director Senior Superintendent Joselito Esquivel, hindi nito kinukunsinte ang mga ganitong gawain ng mga pulis lalo pat tinaasan na ang kanilang mga sweldo.


Paliwanag ni Esquivel ,bago nangyari ang pangingikil ,nagsumbong sa punong tanggapan ng QCPD ang kaanak ng mga preso kaugnay sa pangingikil ng pera ng mga pulis para ibasura ang kaso ng apat na lalaki na sangkot sa illegal droga at illegal possession of fire arms.

Agad namang ikinasa ang operasyon ang Counter-Intelligence Task Force at District Operations Unit ng QCPD kasama ang Special Weapon and Tactics unit at sinalakay kaninang madaling araw ang Station 11 at inaresto si Chief Inspector Erwin Guevarra,na pinuno ng Special Drug Enforcement Unit, at walong tauhan nito.

Base sa impormasyon, nakahingi na ng 200,000 Pesos,ang mga pulis pero humirit pa uli ng karagdagang 100,000 Pesos.

Kaugnay nito,Bukas pa i aanunsyo ni Esquivel ang ipapalit na hepe sa estasyon na binakante ni Chief Superintendent. Igmedio Bernaldez.

Facebook Comments