Naniniwala ang isang national security expert na konektado sa Bangsamoro Organic Law (BOL) ang nangyaring pagsabog sa Jolo cathedral sa Sulu.
Ayon kay Prof. Romel Banlaoi, Executive Director ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research – ito ay kung pagbabatayan ang pag-ako ng ISIS sa insidente.
Aniya, tinututulan ng mga pro-ISIS sa Mindanao ang BOL at ang pagtatayo ng bangsamoro government sa rehiyon dahil taliwas ito sa hanagarin nilang magtayo ng Islamic state sa Southeast Asia.
Posible rin aniyang sinadya ng mga terorista na targetin ang simbahan para sumiklab ang karahasan sa pagitan ng mga muslim at kristiyano.
Paliwanag ni Prof. Banlaoi – ang tingin ng mga ISIS sa Kristiyano ay kalaban ng mga Muslim.
Facebook Comments