Isang Lalaki, Timbog sa kasong paglabag sa RA 9262!

City of Ilagan, Isabela – Nasa kamay na ng PNP Ilagan ang suspek na may dalawang kasong Paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children alas dos ng tanghali, Enero 28, 2019 sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Ang nahuli ay kinilalang si Angelito Dig Aquino, trentay otso anyos, may asawa at nakatira sa Brgy. San Felipe, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng PNP City of Ilagan si Aquino sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Isaac R. De Alban ng RTC Branch 16, 2nd Judicial Region, City of Ilagan, Isabela dahil sa kaso nitong 2 counts na paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children.


Nasa kustodiya na ng PNP City of Ilagan ang akusado at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P144,000.00.

Facebook Comments