Nangyaring Pangangaladkad sa Isang Menor de Edad, Aaksiyonan ng PNP Bagabag

Bagabag, Nueva Vizcaya – Walang nangyari sa ginawang pagsusumbong ng isang 15 anyos na menor de edad sa Municipal Social Welfare Development Office o MSWDO sa ginawang pambubugbog sa kanya ng isang bakla.

Ito ang ikinuwento ng isang,menor de edad na nag-aral sa Alternative Learning System(ALS) sa Tuao South National High School, Tuao, Bagabag, Nueva Viscaya sa ginawang panayam ng RMN Cauayan News.

Ang menor de edad na itatago sa pangalanang “Tintin” ay sinabunutan, inginodngod, sinampal at kinaladkad ng isang bakla na kinilalang si Christomoso Jabar, 20 anyos, na tubong Villa Coloma, Bagabag, Nueva Viscaya.


Si Christomoso Jabar ay naging kaklase ni “Tintin” sa ALS sa naturang eskuwelahan.

Ang naturang pamumugbog ay nakuhanan ng video mula sa cellphone ng kanilang kaklase at ini-upload sa facebook account ni Rodrigo Armas Jr na kapatid ng kinakasama ng 15 anyos na si “Tintin”.

Idinaan sa social media ang pagsusumbong matapos mag “dead-end” sa pagpapa blotter sa PNP ang naturang pangyayari.

Sa ginawang panayam ng RMN Cauayan News sa nag-upload ng video na si Rodrigo Armas Jr ay kanyang naikuwento na pagkatapos nilang magsumbong sa barangay ay inutusan silang magtungo sa Municipal Social Welfare and Development na kalaunan ay inutusan din silang pumunta sa PNP Bagabag.

Mula noon ay wala nang nangyari sa sumbong matapos nila itong mapa blotter.

Ayon naman kay “Tintin” sa panayam ng RMN Cauayan News ay nagawang maipatawag ng PNP Bagabag si Christomoso Jabar ngunit hindi ito sumipot sa naturang imbitasyon.

Ayon sa paglalahad ni “Tintin”, kaya daw siya tinadyakan, sinaktan at kinaladkad ng naturang bakla ay dahil sa sinisingil na kabayaran ng folder niya sa ALS na nagkakahalaga umano ng mahigit isang daang piso.

Nang di niya mabayaran ni “Tintin” ang sinisingil ay hinarang siya at kinompronta at nangyari ang eksena na nakuha sa video.

Bagamat noon pang Agosto 2017 nangyari ang naturang insidente ay ninanais ni “Tintin” at ng kanyang nanay na si Ginang Glory Patani Armas na mabigyan ng hustisya ang ginawang pambubully ng bakla sa kanya.

Umaasa na lang umano sila sa hustisya sa pamamagitan ng pag-upload sa social media sa naturang video na kung saan ay kahapon lamang ito inilagay ni Rodrigo Armas Jr sa kanyang facebook na agad namang nagviral.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 37, 847 shares sa facebook ang naturang ini-upload na video.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan News kay PCInsp Ferdinand Estrada Laudencia,ang hepe ng Bagabag PNP ay kanyang sinabi na agad niyang rerepasuhin ang record ng kanilang women and children’s desks at bibisitahin ang mga biktima sa posibleng resolusyon ng naturang pangyayari.

Aniya, makikipag-ugnayan siya sa pamunuan ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Bagabag na pinamumunuan ni MSWDO Mayet Manuel para sa karampatang hakbang sa naturang kaso.

Facebook Comments