Manila, Philippines – Naniniwala ang Department of Education (DepEd) na dapat masusing pag-aralan ang panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng mandatory drug test mula grade 4 pataas.
Sa interview ng RMN Manila kay DepEd Spokesperson, Undersecretary Nepomuceno Malaluan – hindi pabor ang kagawaran sa pagsasagawa ng mandatory drug test sa grade 4 students.
Ayon kay Malaluan – ang tanging pinapayagan lamang ng DepEd ay ang random drug testing, pero sa mga high school students lamang at naka-base sa batas sa ilalim ng panuntunan na itinakda ng dangerous drugs board.
Giit ni Malaluan, hindi basta-basta ang pagsasagawa ng drug testing dahil marami ang dapat isaalang-alang, partikular na sa mga estudyante sa elementary.
Una nang nagpahayag ang Malacañang ng pagsuporta sa panukala ng PDEA.